Taunang Pulong ng WEF sa 2021, ipagpapaliban sa Agosto

2021-02-04 16:08:33  CMG
Share with:

 

 

Geneva, Switzerland – Ipinahayag Pebrero 3, 2021, ng World Economic Forum (WEF) na dahil kinakaharap pa rin ng daigdig ang mahigpit na hamon dulot ng pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipagpapaliban sa Agosto 17-20, 2021, ang pagdaraos ng 2021 Taunang Pulong ng WEF sa Singapore.

 

Iba sa porma ng matagumpay na online na diyalogo ng Davos Agenda noong Enero, ang 2021 Taunang Pulong ay magiging face to face na pulong sa pagitan ng mga lider ng sirkulo ng pulitika, komersyo, at organisasyong panlipunan sa buong daigdig, dagdag ng WEF.

 

Anito pa, tatalakayin ng mga kalahok ang mga posibleng kalutasan sa harap ng mga hamon.

 

 

Salin:Sarah

Please select the login method