Pagsasanay sa paggamit ng bakunang gawa ng Tsina, idinaos sa Kambodya

2021-02-04 20:19:13  CMG
Share with:

Idinaos Pebrero 3, 2021, sa Preah Ket Mealea Hospital sa Kambodya, ang isang  pagsasanay sa paggamit ng bakunang gawa ng Tsina laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Lumahok dito sina Tea Banh, Pangalwang Punong Ministro ng Kambodya; Mam Bunheng, Ministro ng Kalusugan ng Kambodya; Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya; Li Jingfeng, Opisyal ng Embahadang Tsino sa Kambodya; at iba pang opisyal ng dalawang bansa.

Pagsasanay sa paggamit ng bakunang gawa ng Tsina, idinaos sa Kambodya_fororder_01

Pagsasanay sa paggamit ng bakunang gawa ng Tsina, idinaos sa Kambodya_fororder_02

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang Wentian na ang palagiang pagtutulungan ng Tsina at Kambodya sa harap ng COVID-19 ay isang modelo ng pandaigdigang kooperasyon ng paglaban sa pandemiya.

 

Aniya, ang pagsasanay ay sagisag ng pagsisimula ng bagong yugto ng kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa paglaban sa COVID-19.

 

Nananalig aniya siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, tiyak na magiging maalwan ang pagbabakuna sa Kambodya.

 

Ipinahayag naman ni Tea Banh ang taos-pusong pasasalamat ng kanyang bansa sa tulong at suporta ng Tsina.

 

Umaasa siyang mahigpit na makikipagtutulungan ang mga tauhang medikal ng Kambodya sa mga dalubhasang medikal na Tsino para maigarantiya ang ligtas na pagbabakuna.

 

Salin:Sarah

Please select the login method