Pebrero 3, 2021, Geneva, Switzerland - magkasamang idinaos ng Pirmihang Delegasyong Tsino sa Geneva, at Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur ng Xinjiang, ang online event na pinamagatang “Xinjiang, kamangha-manghang lupain.”
Sa pamamagitan ng video link, lumahok dito ang mga mataas na opisyal mula sa mahigit 50 bansa, na kinabibilangan ng halos 20 embahador.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Erkin Tuniyaz, Pangalawang Pangulo ng Pamahalaan ng Xinjiang, na mabunga ang pag-unlad ng Xinjiang, at mabuti ang kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Lubos aniyang tinatamasa ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ng rehiyon ang karapatang pantao.
Samantala, sinabi ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Geneva, na ikinakalat ng ilang bansa ang kasinungalingan hinggil sa Xinjiang.
Ipinagdiinan niya ang mahigipit na pagtutol ng mga mamamayan sa Xinjiang sa mga gawaing katulad nito.
Aniya pa, buong tatag na pinapasulong ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa Xinjiang, at pinapangalagaan ang soberanya, seguridad, at kapakanan ng sariling bansa.
Sunud-sunod namang nagtalumpati ang mga opisyal ng Laos, Cuba, Hilagang Korea, Belarus, Zimbabwe, Pakistan, Iran, Eritrea at iba pang bansa.
Pinasalamatan nila ang Tsina sa pagdaraos ng kaganapang ito, na nakatulong para sa mas malalim na pag-unawa sa totoong kalagayan sa Xinjiang.
Samantala, pinapurihan ng mga opisyal ang pamahalaang Tsino ang mabilis na pagsulong ng pag-unlad ng Xinjiang at paggarantiya sa mabuting pamumuhay at karapatang pantao sa rehiyon.
Ipinahayag nila ang matatag na pagtutol sa pagsasapulitika ng ilang bansa sa isyu ng karapatang pantao, at pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng Xinjiang.
Salin:Sarah