Presidente ng IOC, nananalig sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Games 2022

2021-02-04 11:25:57  CMG
Share with:

Sa panayam kamakailan sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ang lubos na panananalig sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Games 2022.

 

Sinabi ni Bach, na ikinasisiya niya ang maalwang paghahanda ng Tsina para sa naturang palaro, at pinasalamatan niya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagsuporta sa usaping ito.

 

Ani Bach, isang taon pa ang hihintayin bago idaos ang Beijing Winter Olympic, pero handa na ang lahat ng mga venue.

 

Ipinakikita aniya nito ang bitalidad, determinasyon, at episyensiya ng Tsina.

 

Ipinalalagay ni Bach, na ang mga pagsisikap ng Tsina ay makakatulong sa paghulagpos ng usapin ng palakasan at Olimpiyada sa kahirapang dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Dagdag ni Bach, dahil sa Beijing Winter Games, nahihilig ang mas maraming Tsino sa ice and snow sports.

 

Ito aniya ay mahalagang pamana para sa hinaharap, at dahil dito, magiging mas inklusibo ang Olimpiyada.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method