“Tatlong baka,”papunta sa kaligayahan

2021-02-05 21:55:45 CMG
Share with:

Malapit na ang Spring Festival - pinakamahalagang pestibal ng mga mamamayang Tsino. Ang darating na bagong taon ay “Taon ng Baka.” Sa mata ng mga mamamayang Tsino, ang baka ay kumakatawan ng kabaitan, kasipagan, at sakripisyo. Madalas na ginagamit ng mga mamamayang Tsino ang “diwa ng baka” bilang papuri sa mga tao na masipag na nagtrabaho at handang magsakripisyo.

Halimbawa, sa pagdating ng bagong taon, hinikayat ng pinakamataas na lider na Tsino ang mga opisyal ng pamahalaan na isulong ang diwa ng baka ng paglilingkod sa mga mamamayan na parang "willing ox," paunlarin ang mapanlikhang ideya na parang "brave bull," at masipag na magpunyagi na parang "old ox." Tinagurian ito ng mga mamamayang Tsino ang “diwa ng tatlong baka.”

Ang video na ito ay nagpapakita ng isang salitang binubuo ng tatlong salitang Tsino na tinatawag na “ben” sumasagisag ito sa “mabilis na nagtutungo sa isang destinasyon.”

Sa okasyon ng Chinese New Year, binigyan tayo ng “tatlong baka,” at sana’y tayo ay magkaroon ng magandang karera at pamumuhay at ng maaning panahon ng buhay para sa mas maligaya at magandang kinabukasan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method