Beijing, Tsina—Inilunsad nitong Huwebes, Pebrero 4, 2021 ang aktibidad na pinamagatang “Happy Chinese New Year sa 2021,” kung saan isasagawa ang mga live streaming ng iba’t ibang programa sa buong daigdig.
Sa pamamagitan ng video link, magkahiwalay na ipinadala nina Hu Heping, Ministro ng Kultura at Turismo ng Tsina, at Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), ang kanilang mga mensahe sa pagsisimula ng nasabing aktibidad.
Sinabi ni Hu Heping na nitong nakalipas na ilang taon, ang nasabing aktibidad ay sumaklaw sa maraming bansa’t rehiyon sa daigdig, at nagsilbi itong plataporma ng magkasamang pagdiriwang ng mga kaibigang Tsino’t dayuhan ng tradisyonal na kapistahan, pagbabahagi ng kulturang Tsino, at magkasamang pagpapalipas ng magandang panahon.
Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, ibayo pang pasusulungin ang pandaigdigang pagpapalitang pangkultura at panturismo, at palalalimin ang pagkakaibigan ng iba’t ibang bansa.
Sa kanya namang talumpati, inihayag naman ni Shen Haixiong ang pag-asang ipapaabot ng nasabing aktibidad ang magandang pagbati sa mga mamamayan ng buong mundo, pahihigpitin ang pagkaunawa ng komunidad ng daigdig sa Tsina, at ilatag ang tulay ng pagkakaibigan para sa pag-uugnayan at pagpapalitan ng kulturang Tsino’t dayuhan.
Ipakikita sa mga online activity ang mga kulturang Tsino at mga katangian ng Spring Festival ng Tsina.
Salin: Vera