Bagong teknolohiya, itatampok sa 2021 Spring Festival Gala

2021-02-07 17:47:29  CMG
Share with:

Media Center, Beijing—Ayon sa news briefing na ginanap Linggo, Pebrero 7, 2021 hinggil sa 2021 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG), itatampok sa nasabing gala ang mga elementong Tsino, katangian ng iba’t ibang nasyonalidad, kulturang panrehiyon at makukulay na sibilisasyon sa daigdig.
 

Bukod dito, gagamitin din sa nakatakdang evening gala ang maraming modernong teknolohiya na gaya ng 5G+4k/8k+AI, VR at iba pa.
 

Ito ay para handogan ng isang audio-visual feast ang mga manonood.
 

Salin: Vera

Please select the login method