Pagbati ng Pangulong Tsino sa Aprika: makamtan sana ninyo ang mas maraming bunga ng pag-unlad

2021-02-07 16:04:11  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng telepono, ipinahayag Pebrero 6, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Ika-34 na Summit ng Unyong Aprikano (AU), ang kanyang hangarin tungo sa walang humpay na pagtatamo ng mas maraming bunga sa pagsasarili at pag-unlad ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ng Aprika.

 

Binigyan-diin ni Xi na ang taong 2020 ay di-makakalimutang taon para sa relasyong Sino-Aprikano.

 

Suportado aniya ng Tsina at Aprika ang isa’t isa sa usapin ng paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVI-19).

 

Kaugnay nito, sinabi ni Xi na matagumpay na idinaos ang Espesyal na Summit ng Tsina at Aprika para sa paglaban sa COVID-19, at palagiang pinasusulong ang kooperasyon ng Tsina at Aprika sa iba’t ibang larangan.

 

Magkasamang napangalagaan ng Tsina at Aprika ang kapakanan ng mga umuunlad na bansa; at katarungan at katuwiran ng daigdig, na nagpakita ng mataas na lebel ng relasyong Sino-Aprikano, diin ng pangulong Tsino.

 

Salin:Sarah

Please select the login method