Dumating na ngayong madaling araw, Pebrero 8, 2021, sa Vientiane Wattay International Airport ng Laos, ang bakunang kaloob ng Tsina kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang Laos ay kabilang sa unang batch ng mga bansang tumanggap ng tulong na bakuna mula sa Tsina.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, pinasalamatan ni Bounkong Syhavong, Ministro ng Kalusugan ng Laos, ang suporta ng pamahalaan ng Tsina at mga mamamayang Tsino sa Laos.
Samantala, kasamang dumating ng mga bakuna si Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos.
Sinabi niya na ang Tsina ay mapagkakatiwalaan, at palagian nitong pinapasulong ang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin:Sarah