Ipinagkaloob Pebrero 7, 2021, ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa hukbo ng Kambodya.
Dahil dito, nabilang ang hukbo ng Kambodya sa unang batch ng mga hukbong dayuhan na tumanggap ng tulong mula sa PLA.
Ayon sa PLA, ang aksyong ito ay pagtalima sa mahalagang atas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na gawing pampublikong produktong pangkalusugan ang bakuna ng Tsina kontra COVID-19.
Salin:Sarah