Bakuna ng Tsina, dumating ng Peru

2021-02-08 17:29:49  CMG
Share with:

Dumating gabi ng Pebrero 7, 2021, ng Lima, kabisera ng Peru, ang unang batch ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina.

 

Sa kanyang televised speech sa paliparan, pinasalamatan ni Francisco Rafael Sagasti Hochhausler, Pangulo ng Peru, ang suporta ng Tsina sa Peru sa paglaban sa COVID-19.

 

Ini-ulat din nang araw rin iyon ng iba’t ibang media ng Peru ang balita ng pagdating ng bakuna.

 

Samantala, isinagawa ng Pambansang Istasyon ng TV ng Peru ang livestream sa pangyayaring ito.

 

Napakasaya ang mga mamamayan ng Peru sa pagdating ng bakuna.

 

Ilang mamamayan ang naghanda ng mga paputok bilang pagdiriwang sa pagdating ng bakuna.

 

Ayon sa planong ipinalabas nang araw rin iyon ng Ministri ng Peru, ibabahagi mula ngayong araw ang mga bakuna sa mahigit 10 ospital at organong medikal sa Lima at Callao, ikalawang pinakamalaking lunsod ng Peru.

 

Gagawing priyoridad ng pagbabakuna ang mga tauhang medikal.

 

Salin:Sarah

Please select the login method