Ipinahayag Pebrero 8, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may balak ang Tsina na ipagkaloob ang walang bayad na bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa 53 umuunlad na bansa. Samantala, iniluluwas o iluluwas din ang bakuna sa iba pang 22 bansa.
Sinabi ni Wang na suportado ng Tsina ang kooperasyon ng mga kompanyang Tsino at kompanyang dayuhan sa pananaliksik at paggagawa ng bakuna. Para sa mga bansa na kailangan ng bakuna o naaprobahan na ang pangkagipitang paggamit ng bakuna ng Tsina, suportado ng Tsina ang pagluluwas ng bakuna sa kanila.
Sinusuportahan at tinutulungan din ng Tsina ang mga kompanyang dayuhan na gumagawa ng bakuna sa loob ng Tsina.
Salin:Sarah