Biden: Ayaw ng Amerika ang alitan sa Tsina; Tsina: Dapat magtulungan ang dalawang bansa at kontulin ang pagkakaiba

2021-02-09 16:30:23  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag Pebrero 8, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat tumahak ang Tsina at Amerika patungo sa magka-parehong direksyon, mag-pokus sa kooperasyon, kontrulin ang pagkakaiba, para magkasamang pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, na pakikinabangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.

 

Ayon sa ulat, sa panayam kamakailan, nabanggit ni Pangulong Joe Biden ng Amerika si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag niyang ayaw ng Amerika ang alitan sa Tsina.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang na ang pag-uusap ng Tsina at Amerika sa iba’t ibang antas ay makakatulong para mas malalim ang maging kaalaman hinggil sa isa’t isa at mapa-unlad ang bilateral na relasyon. Nagsisikap ang Tsina para paunlarin ang relasyong Sino-Amerikano na walang alitan, may paggalang sa isa’t isa, kooperasyon at may mutuwal na kapakinabangan. Kasabay nito, buong tatag na mapapangalagaan ng Tsina ang kaligtasan, soberanya, kapakanan ng bansa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method