Magkasunod na isiniwalat nitong Lunes at Martes, Pebrero 8 at 9, 2021 ng panig militar ng Myanmar ang mga impormasyon hinggil sa pag-i-implementa ng curfew at pagbabawal sa pagtitipun-tipon sa iba’t-ibang lugar ng bansa na gaya ng Naypyidaw, Mandalay, at Yangon.
Sa kabila nito, hindi nakadetalye sa mga isinapublikong impormasyon ang espisipikong panahon kung kalian isasagawa ang nasabing mga hakbangin.|
Nitong ilang araw na nakalipas, sumiklab sa iba’t-ibang lugar ng Myanmar ang mga kilos-protesta.
Kabilang sa mga kahilingan ng mga demonstrador ay pagpapalaya ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar.
Salin: Lito
Pulido: Rhio