Ipinahayag Pebrero 9, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagsimula na ang paghahatid ng unang batch ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina sa Equatorial Guinea.
Ayon sa pagtaya, darating sa umaga ng Pebrero 10, 2021 ang bakuna sa Malabo, kabisera ng nasabing bansa.
Sinabi pa ni Wang na ito ang unang batch ng bakuna na ipinagkaloob ng Tsina sa mga bansang Aprikano.
Ito aniya ay mahalagang pagsasakatuparan ng Tsina sa patakarang “gawing pampublikong produktong pangkalusugan” ang bakuna sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Ani Wang, sa hinaharap, patuloy na isasakatuparan ng Tsina ang mga mahalagang atas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ang mga bansang Aprikano na kinabibilangan ng Equatorial Guinea, para pasulungin ang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19 sa iba’t ibang paraan; at ipagkaloob ang tulong ayon sa pangangailangan ng mga bansang Aprikano.
Ito ay upang magkakasamang magtagumpay sa paglaban sa COVID-19 at makinabang ang mga mamamayan ng Tsina at Aprika, saad ni Wang.
Salin:Sarah