CMG Komentaryo: Pag-uusap sa telepono nina Xi at Biden, nagpahayag ng positibong signal sa daigdig

2021-02-11 21:17:03  CMG
Share with:

 

Sa bisperas ng Chinese New Year, ang pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika ay nakatawag ng malawakang pansin ng daigdig.

Nagpalitan ng pagbati ang dalawang pangulo ng maligayang Bagong Taong Tsino. Tinalakay din nila ang hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.

Ito ang kauna-unahang diyalogo sa telepono ng dalawang puno ng estado sapul nang manungkulan ang bagong pamahalang Amerikano. Kapuwa nila ipinalalagay na ang kanilang pag-uusap ay nagpapahayag ng positibong signal sa daigdig. Ipinakikita nito ang hangaring pampulitika ng dalawang pangulo para makontrol at mapabuti ang bilateral na relasyong Sino-Amerikano.

 

Sa pag-uusap, makaraang balik-tanawin ang pagbabalik sa normal at pag-unlad ng ugnayang Sino-Amerikano nitong mahigit limang dekadang nakalipas, muling ipinagdiinan ni Xi na ang pagtutulungan ay ang siyang tanging tumpak na pagpili ng dalawang bansa.

 

Apat na ang naging biyahe ni Biden sa Tsina at hindi bago sa kanya ang Tsina. Sapul nang manungkulan bilang pangulo, maraming beses na ipinahayag ni Biden ang pangangailangan ng pakikipagtulungan sa Tsina.

 

Kapuwa ang Tsina’t Amerika ay pirmihang miyembro ng United Nations Security Council. Sila rin ang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Kaya, karapat-dapat na isabalikat nila ang responsibilidad para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang pananabik ng daigdig sa unang usapan nina Xi at Biden.

 

Hindi nagbabago ang kahandaan ng Tsina para mapayapang makipamuhayan sa Amerika at makipagtulungan sa Amerika para maisakatuparan ang win-win situation. Kasabay nito, di natitinag ang resolusyon ng Tsina para ipagtanggol ang soberanya, kaligtasan at kaunlaran ng bansa. Ang paggalang sa mga nukleong interes ng Tsina ay ang paunang pundasyon at batayan ng pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano.  

 

Ngayong araw, pumasok na sa isa pang napakahalagang punto ang relasyong Sino-Amerikano. Inaasahang matutupad ng panig Amerikano ang diwa ng pag-uusap ng dalawang pangulo para “basagin ang yelo” ng bilateral na relasyon. Maaangkop ito hindi lamang sa interes ng dalawang bansa, ito rin ang inaasam ng komunidad ng daigdig.

 

Salin:Jade

Pulido:Mac

Please select the login method