[Video] Pagbati para sa Chinese New Year ng mga Pinoy sa Tsina

2021-02-11 09:33:49  CMG
Share with:

 

Xin Nian Kuai Le! Heto na ang Year of the Ox!
 

Hangad ng marami na maging “oks” ang lahat at maka-ahon ng tuluyan sa pagkakasadlak dahil sa pandemiya ng COVID-19. Mula sa iba't ibang lunsod ng Tsina, gaya ng Shenzhen, Dongguan, Guangzhou, Xiamen at Beijing,  ipinaabot ng mga Pilipino ang kani-kanilang mga taos-pusong hangarin para sa Chinese New Year.
 

Hangad ni Noeme Ong, core ng Barangay China sa Shenzhen ang bagong pag-asa, kalusugan at katatagan ng buong pamilya.
 

Samantala mula naman sa Guangzhou, sinabi ni Dominic Dalida na ang Spring Festival ay nangangahulugan ng bagong yugto at bagong simula. Hiling niya na sa bagong taon, maging mas matatag ang lahat sa hamon ng panahon. Maging mas matulungin at mapagmahal.
 

Bukod sa kalusugan, ang wish ni Rina Ilagan mula sa Shenzhen ay magkaroon ang lahat ng masaganang buhay at mapagpalang 2021.
 

Naninirahan sa Xiamen, ipinaabot naman ni Bong Antivola ang paalala na maging ligtas at mag-ingat sa gitna ng di pa natatapos na pandemya. At ang pagbati na mag-enjoy ang lahat ngayong Chinese New Year.
 

Mula Dongguan, naniniwala si Mary Grace Pangcang na ang Chinese New Year ay isang yugto ng panahon para magsama-sama ang pamilya, magkakamag-anak at magkakaibigan. Hiling niya ay mabuting kalusugan, kapayapaan, pagmamahalan at kasaganaan.
 

Umaasa naman si Arnold Caccam na pagbubuklod-buklurin ng Spring Festival ang mga pamilya, at sa pagsasama-sama ay mas magiging matatag na institusyon ang pamilya. Tulad ng Ox, na simbolo ng katatagan at kasipagan, hangad niyang maging masigasig ang lahat para tuluyang masugpo ang problema ng COVID-19.

 

Producer: Mac/Jade/Vera

Panayam/Ulat: Mac

Video-edit: Vera

Web-edit: Vera/Jade 

Espesyal na pasasalamat para kina  Rina Ilagan, Noeme Ong, Mary Grace Pangcang, Bong Antivola, Dominic Dalida, at Arnold Caccam


 


 

Please select the login method