Ang Spring Festival Gala ay espesyal na programa ng China Media Group (CMG) bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Bagong Taong Tsino.
Isinahimpapawid sa kauna-unahang pagkakataon noong 1983, ang Spring Festival Gala ay taunang pagtatanghal ng samu't saring palabas na pansining na gaya ng awitin, sayaw, opera, cross talk, skit, at iba pa.
Karaniwang sinisimulan ang pagtatanghal alas-8 tuwing bisperas ng Bagong Taong Tsino, at tumatagal ng mga 5 oras hanggang sa araw ng Bagong Taon.
Itinuturing ng mga Tsino ang CMG Spring Festival Gala bilang espesyal na "lasa" ng Bagong Taong Tsino, at espesyal na "putahe" sa bangkete ng pagtitipon ng pamilya.
Nitong mahigit tatlong dekada, ang panonood ng gala habang nagsasalu-salo ang buong pamilya ay nagiging kaugalian ng sambayanang Tsino para salubungin at ipagdiwang ang bagong taon.
Salin: Liu Kai