Dumating na ngayong araw sa Harare, kabisera ng Zimbabwe ang unang batch ng bakuna ng COVID-19 na ibinigay ng Tsina.
Ang 200,000 dosis ng bakuna ay galing sa China National Pharmaceutical Group Co. Ltd o Sinopharm.
Sa kanyang talumpati sa pagtanggap ng naturang bakuna, ipinahayag ni Constantino Chiwenga, Pangalawang Pangulo ng Zimbabwe ang pasasalamat sa walang patid na suporta ng Tsina sa kanyang bansa laban sa pandemiya ng COVID-19.
Si Constantino Chiwenga
Nauna rito, ipinahayag din ni Pangulong Emmerson Mnangagwa ng Zimbabwe ang pasasalamat sa Tsina. Aniya, parang “liwanag sa dulo ng tunel,” ang bakuna mula sa Tsina ay magdudulot ng pag-asa para sa pamahalaan at mga mamamayan ng kanyang bansa sa kanilang pakikibaka laban sa pandemiya.
Salin: Jade