150, sugatan dahil sa lindol sa Hapon

2021-02-15 15:19:16  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos hanggang kagabi, 150 katao ang nasugatan dahil sa malakas na lindol na may richter scale ng 7.3 na naganap gabi ng Pebrero 13, 2021, sa dagat ng dakong silangan ng Fukushima ng Hapon.

 

Ayon sa Japan Meteorological Agency, walang pag-alarm ng tsunami pagkatapos ng lindol.

 

Ayon sa media ng Hapon, pamsamantalang itinigil ang trapiko sa ilang nilindol na lugar. Sa Fukushima, naganap ang landslide.

150, sugatan dahil sa lindol sa Hapon_fororder_fudao

Sinabi madaling araw ng Pebrero 14, sa preskon, ng opisyal ng Japan Meteorological Agency na ang lindol na ito ay posibleng aftershock ng  napakalakas na lindol na naganap noong Marso 11, 2011 sa Hapon.

 

Posibleng muling magaganap ang lindol sa loob ng darating na isang linggo, saad niya.

 

Salin:Sarah

Please select the login method