Dalubhasa ng WHO working group: responde ng Tsina laban sa COVID-19, napakainam

2021-02-16 13:11:04  CMG
Share with:

Natapos noong nakaraang linggo ang lahat ng pananaliksik ng World Health Organization (WHO) sa Tsina.

 

Pinapurihan ng mga dalubhasa ng WHO working group ang transparency ng panig na Tsino, at pinabulaanan ang kasinungalingan ng ilang media at politikong kanluranin, na di-umano ay may kaugnay ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina.

Dalubhasa ng WHO working group: responde ng Tsina laban sa COVID-19, napakainam_fororder_daszarkxinhua

Sa panayam na ipinalabas Pebrero 14, 2021, ng New York Times, isiniwalat ni Peter Daszak, dalubhasa ng WHO working group, ang mahahalagang impormasyong tulad ng mabilis at propesyonal na aksyon ng Tsina sa unang yugto ng pandemiya, malawak at malalim na imbestigasyon ng Tsina sa COVID-19, napakaraming sample na ginawa ng Tsina, at iba pa.

Ipinalalagay ng kapuwa dalubhasa ng WHO working group at panig na Tsino na malaki ang posibilidad na ang virus ay galing sa hayop, sinabi ni Daszak.

 

Binigyan-diin niya, na “imposibleng kumalat ang virus mula sa laboratoryo.” 

 

Sinabi pa niyang ang pananaliksik sa virus ay dapat tumahak sa landas ng siyensiya, sa halip na pagpapahid ng putik ng politika.

 

Salin:Sarah

Please select the login method