CMG Komentaryo: 2021 Spring Festival, bagong simula ng mga Tsino patungo sa komong pag-unlad

2021-02-17 14:38:12  CMG
Share with:

“Karne ng baboy, manok, at sopas ng tofu.” Ito ang mga pagkaing inihanda ng isang pamilya mula sa nayong A Tu Lie Er ng lalawigang Sichuan, dakong timog kanluran ng Tsina para sa bisperas ng Bagong Taong Tsino o Pestibal ng Tagsibol.

 

Para sa pamilyang ito, napaka-espesyal ng naturang mga pagkain para ipagdiwang ang kauna-unahang Bagong Taong Tsino matapos makahulagpos ang nayong A Tu Lie Er mula sa karalitaan.

 

Noong nakaraan, tinatawag na “nayon ng talampas” ang A Tu Lie Er dahil napakhirap itong marating.

 

Pero noong 2020, lumipat ang mga mamamayan ng A Tu Lie Er sa bagong lugar sa paanan ng bundok, kung saan, itinayo ng pamahalaang Tsino para sa kanila ang mga bahay na mayroong gas na panluto at tubig sa gripo.

CMG Komentaryo: 2021 Spring Festival, bagong simula ng mga Tsino patungo sa komong pag-unlad_fororder_komentaryo

 

Ang bagong buhay ng “nayon ng talampas” ay isang halimbawa ng tagumpay ng Tsina sa mababang yunit ng lipunan, na siya namang bumubuo sa komprehensibong tagumpay ng buong nasyong Tsino sa paghulagpos ng karalitaan.

 

Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, layon ng sosyalismong may katangiang Tsino na magdulot ng maligayang buhay para sa mga mamamayan.

 

Pagkaraan ng 8 taong pagsisikap, nakahulagpos na aniya mula sa karalitaan ang buong Tsina, at ito ay mahalagang ambag para sa usapin ng paghulagpos sa karalitaan ng buong daigdig.

CMG Komentaryo: 2021 Spring Festival, bagong simula ng mga Tsino patungo sa komong pag-unlad_fororder_komentaryo02

Sa kasalukuyan, ito ang bagong puwersang nagtutulak sa mga mamamayang Tsino upang tumungo sa landas ng mas magandang kinabukasan.

 

Patuloy na nagsisikap ang pamahalaang Tsino para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pag-unad para sa mga mahirap na populasyon.

 

Ayon sa Ika-14 na Panlimahang Taong Plano, pasusulungin ng Tsina ang komong kasaganaan ng lahat ng mamamayan, at isasakatuparan ang aktuwal na progreso ng planong ito sa taong 2035.

Salin:Sarah

Please select the login method