Sa pagpasok ng Tianwen-1 sa orbita ng Mars: PM ng UAE, nagpa-abot ng pagbati sa Tsina

2021-02-17 14:41:13  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe sa Twitter sa kapuwa wikang Tsino at wikang Arabe, Pebrero 16, 2021, ipinaabot ni Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, Pangalawang Pangulo at Punong Ministro ng United Arab Emirates (UAE), ang pagbati sa matagumpay na pagpasok ng Tianwen-1 probe ng Tsina sa orbita ng Mars.

 

Nauna rito, ang UAE ay ang unang bansang Arabe na nagpadala ng unmanned probe sa orbita ng Mars.

 

Sa pagpasok ng Tianwen-1 sa orbita ng Mars: PM ng UAE, nagpa-abot ng pagbati sa Tsina_fororder_tianwen1

Salin:Sarah

Please select the login method