Ikalawang yugto ng pagbabakuna kontra COVID-19, sinimulan ng Indonesya

2021-02-18 16:22:17  CMG
Share with:

Opisyal na sinimulan Pebrero 17, 2021, ng Indonesya, ang ikalawang yugto ng pag-iniksyon ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ikalawang yugto ng pagbabakuna kontra COVID-19, sinimulan ng Indonesya_fororder_pagbabakuna

Ayon sa plano, babakunahan ang 16.9 milyong tauhan ng pampublikong serbisyo at 21.5 milyong matatanda bago mag-Mayo, 2021.

 

Samantala, sa pahayag nang araw rin iyon, sinabi ng Sekretaryat ng Gabinete ng Indonesya na sinimulan ng bansa ang malaking saklaw na pagbabakuna noong Enero 14, 2021.

 

Hanggang sa kasalukuyan, nabakunahan na ang 1.46 milyong tauhang medikal, dagdag ng sekretaryat.

 

Ayon sa pinakahuling datos na ipnalabas ng Pambansang Departamento Laban sa Kapahamakan ng Indonesya, umabot na sa 1,243,646 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, samantalang 33,788 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

 

Salin:Sarah

Please select the login method