Ayon sa pinakahuling dato na mula sa Eurostat na may punong himpilan sa Luxembourg, umabot sa 586 bilyong Euro ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Unyong Europeo (EU) noong 2020; samantala, 555 bilyong Euro ang halaga ng kalakalan ng Amerika at EU.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng EU sa halip ng Amerika.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang paglalagda ng China-EU Agreement on Geographical Indications at pagtatapos ng China-EU Comprehensive Agreement on Investment ay magdudulot ng bagong punto ng pagsisimula para sa pagpapalim ng dalawang panig ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Ipinahayag din ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, sa kasalukuyan, aktibong itinatatag ng Tsina ang bagong estruktura ng pag-unlad, na tiyak itong magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa Europa at buong daigdig.
Dagdag ni Hua, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Europa, para magkasamang mapangalagaan ang bukas na kapaligiran ng kalakalan at pamumuhunan, at magbigay ng lakas para sa pagpasulong ng multilateralismo at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah