Mga pahayag ng opisyal ng UK at US sa ulat ng WHO, sinagot ng Tsina; ang indipendienteng ulat ay hindi dapat yumukod sa bintang ng kanluraning bansa

2021-02-19 16:29:20  CMG
Share with:

 

 

Kaugnay ng pahayag ng ilang opisyal ng Britanya at Amerika hinggil sa independent report ng World Health Organization (WHO), tungkol sa pananaliksik sa pinagmulan ng COVID-19, ipinahayag Pebrero 18, 2021, sa preskon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagiging indipendiente ng ulat ay hindi nangangahulugang pagyukod sa bintang ng mga bansang kanluranin sa Tsina.

Mga pahayag ng opisyal ng UK at US sa ulat ng WHO, sinagot ng Tsina; ang indipendienteng ulat  ay hindi dapat yumukod sa bintang ng kanluraning bansa_fororder_huachunying

Sa pamamagitan lamang ng paggalang sa siyensiya at katotohanan, makakamit ang ulat na walang pinapanigan at makatotohanan at maging ang pansiyensiyang konkulusyon.

 

Tinukoy ni Hua na, noong 2019, iniulat ng American media ang tungkol sa Fort Detrick Biological Base. Noong Hulyo 2019, may mga ulat tungkol sa di maipaliwanag na outbreaks ng respiratory disease sa Virginia at ang EVALI outbreaks sa Wisconsin. Inilabas din noong Hulyo ng US CDC ang "cease and desist order" para ihinto ang pananaliksik sa Fort Detrick. Sa panahong ito, dalawang  retirement communities malapit sa base ang nakaranas ng di maipaliwanag na pneumonia outbreaks. Ang paliwanag lamang ng US CDC ay pagsasara kaugnay ng "national security reasons".  Samantala noong Setyembre 2019, naging doble ang vaping-related lung illness sa Maryland kung saan makikita ang Fort Detrick.

 

Hinggil dito, tinanong ni Hua, ipagkakaloob ba ng Amerika ang lahat ng kaukulang data hinggil dito, isasagawa ba ang komprehensibong kooperasyon sa WHO, at maaanyayahan ba ang mga dalubhasa ng WHO na pumunta sa Amerika para isagawa ang imbestigasyon?

 

Salin:Sarah

Please select the login method