Nang kapanayamin ng Reuters, Pebrero 15, 2021, ipinahayag ni Ngozi Okonjo-Iweala, bagong Direktor Heneral ng World Trade Organization (WTO), na ang unang misyon sa kaniyang panunungkulan sa WTO, ay paggarantiya ng mas malaking pagsisikap ng WTO sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Si Ngozi Okonjo-Iweala
Binalaan niya na hindi dapat isagawa ang “vaccine nationalism”, dahil ito ay makakapinsala sa paglaki ng kabuhayan ng lahat ng bansa.
Nauna rito, idinaos ang espesyal na pulong ng WTO na humirang kay Ngozi Okonjo-Iweala, dating Ministro ng Pananalapi ng Nigeria at mataas na opisyal ng World Bank, bilang bagong Direktor Heneral ng WTO.
Manunungkulan siya sa unang araw ng Marso, at tatagal ang termino niya hanggang sa Agosto 31, 2025.
Si Dr. Okonjo-Iweala, ang kauna-unahang babae, at kauna-unahang Aprikanong nahirang bilang pinuno ng WTO.
Salin:Sarah