Idinaos Pebrero 17, 2021 sa Blaise Diagne International Airport, ang seremoniya ng pagdating ng 200 libong dosis na bakuna kontra sa COVID-19 na mula sa Sinopharm ng Tsina. Ang Senegal ang unang bansa sa Kanlurang Aprika na nagkaroon ng bakuna.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, pinasalamatan ni Macky Sall, Pangulong ng Senegal, ang suporta ng Tsina. Sinabi niya na ang pagdating ng bakuna ng Tsina ay sumasagisag ng bagong yugto ng paglaban ng Senegal sa COVID-19.
Pinaplano ng pamahalaan ng Senegal ang pagbabakuna sa mga priyoridad na grupo na tulad ng mga tauhang medikal, saad niya.
Salin:Sarah