Tsina: Dapat gawing pampublikong produktong pangkalusugan ng buong daigdig ang bakuna kontra COVID-19

2021-02-19 16:28:08  CMG
Share with:

Idinaos Pebrero 17, 2021, ang Pulong na Ministeryal ng United Nations Security Council (UNSC). Dumalo sa pulong na ito si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.

Tsina: Dapat gawing pampublikong produktong pangkalusugan ng buong daigdig ang bakuna kontra COVID-19_fororder_wangyi

Sa pulong, ipinahayag ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang patas na pagkakaroon ng bakuna ay pinakamalaking pagsubok sa moralidad ng komunidad ng daigdig. Iminungkahi niya sa G20 na gumawa ng pangkagipitang espesyal na working group para sa Global Vaccination Plan against Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 18, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinapurihan ng Tsina ang naturang mungkahi ni Guterres, at sinusuportahan ang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para isakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa pagkamit ng bakuna.

 

Sinabi ni Hua na sa kasalukuyan, nagtutulungan ang Tsina at mahigit 10 bansa sa pananaliksik ng bakuna. Ipinagkaloob din ng Tsina ang bakuna sa 53 umuunlad na bansa. At iniluwas at kasalukuyang iniluluwas ang bakuna sa iba pang 22 bansa.

 

Ipinahayag ni Hua na aktibong isinasagawa ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa bakuna na naglalayong gawing pampublikong produktong pangkalusugan ng buong daigdig ang bakuna.

 

Patuloy na makikipagkooperasyon ang Tsina sa iba’t ibang panig na may kinalaman sa bakuna, pagpigil ng pandemiya at iba pang larangan, upang magbigay ng ambag para sa magkakasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method