Nag-usap sa telepono nitong Biyernes, Pebrero 19, 2021 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Erywan bin Pehin Yusof, Ikalawang Ministrong Panlabas ng Brunei, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Pinasalamatan ni Erywan ang ibinigay na tulong ng bakuna ng COVID-19 ng Tsina sa Brunei. Ito aniya ay lubos na nagpapakita ng malalim na damdamin ng dalawang bansa sa harap ng kahirapan.
Ipinahayag naman ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Brunei sa pakikibaka laban sa pandemiya.
Bukod dito, nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng Myanmar.
Nananalig ani Wang, ang panig Tsino na may sapat na katalinuhang pulitikal ang ASEAN para tulungan ang Myanmar sa paglipas ng kasalukuyang kahirapan.
Salin: Lito