“No. 1 central document”, ipinalabas ng Tsina, nagpokus ng agrikultura

2021-02-22 16:33:51  CMG
Share with:

Ipinalabas Pebrero 21, 2021, ng Tsina ang “No. 1 central document” sa 2021.

“No. 1 central document”, ipinalabas ng Tsina, nagpokus ng agrikultura_fororder_rural

Sinabi sa dokumento na, dapat magsikap ang Tsina para komprehensibong pasulungin ang vitalisasyon at moderalisasyon ng agrikultura at kanayunan. Dapat gawing priyoridad ang paglulutas ng mga isyung kaugnay ng agrikultura, kanayunan at magsasaka. Dapat paunlarin ang inobasyon bilang suporta sa bagong modernong sosyalismong kanayunan.

 

Ayon sa plano, matatamo ang mahalagang progreso ang moderalisasyon ng agrikultura at kanayunan bago ang taong 2025, at matatapos ang pundamental na konstruksyon ng imprastruktura sa kanayunan.

 

Ang “No. 1 central document”ay ang unang pahayag pampatakaran na inilabas ng literado ng Tsina taun-taon, at ito ay itinuturing indicator ng priyoridad ng patakaran . At ang mga gawaing kaugnay ng agrikultura at kanayunan ay nasa unang puwesto ng ahensyang ito nitong nakaraang sunud-sunod na 18 taon.

 

Salin:Sarah

Please select the login method