Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Colombia

2021-02-22 11:47:11  CMG
Share with:

Dumating Pebrero 20, 2021, ng Bogota, kabisera ng Colombia, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Colombia_fororder_columbia

Tinanggap ito nina Pangulong Ivan Duque Marquez at Pangalawang Pangulong Marta Lucia Ramirez ng Columbia, at Lan Hu, Embahador ng Tsina sa Colombia.

 

Ipinahayag ni Duque na maligaya ang Colombia sa pagdating ng bakuna, dahil ililigtas nito ang mas maraming buhay.

 

Ayon sa datos ng Pambansang Institusyon ng Kalusugan ng Colombia, hanggang Pebrero 20, umabot na sa 2,222,018 ang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, samantalang 58,685 ang pumanaw.

 

Salin:Sarah

Please select the login method