Tsina at India, positibo sa troops disengagement sa rehiyon ng Bangong Lake

2021-02-22 11:48:08  CMG
Share with:

Idinaos Pebrero 20, 2021, ng Tsina at India ang ika-10 round ng talastasan sa antas ng komander ng hukbo.

 

Positibong pinahahalagahan ng kapuwa panig ang maalwang pagkaroon ng disengagement ng kani-kanilang mga tropa sa rehiyon ng Bangong Lake sa purok-hanggahan ng Tsina at Indya.

 

Ito anila ay mahalagang progresong naglatag ng pundasyon para malutas ang iba pang isyu kaugnay ng hanggahan ng Tsina at India.

 

Sinang-ayunan ng dalawang panig na sundin ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng Tsina at India, patuloy na isagawa ang diyalogo, panatilihin ang matatag na kalagayan sa hanggahan, at patuloy na hanapin ang kalutasang katanggap-tanggap sa dalawang panig, upang magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan sa rehiyong pang-hanggahan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method