Tsina at Ehipto: Nakahandang patuloy na palakasin ang koordinasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig

2021-02-23 15:56:13  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono Pebrero 22, 2021 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ng Ehipto.

 

Sa pag-uusap, binigyan-diin ni Xi na ang Ehipto ay kauna-unahang bansang Arabe at bansang Aprikano na nagtatag ng  relasyong diplomatiko sa Tsina. Ang relasyon ng Tsina at Ehipto ay modelo ng pagkakaisa, pagkokooperasyon at may mutuwal na kapakinabangan ang ugnayang Tsina at Arabe at Tsina at Aprika.

 

Sinabi ni Xi na sa mula’t mula pa’y, ginawang priyoridad ng Tsina ang Ehipto sa diplomasya ng bansa. Magkaibigan at magkapartner ang dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na sinusuportahan ng Tsina ang Ehipto sa pagtahak nito  sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan ng bansa.

 

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Ehipto, para patibayin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa, patatagin ang suporta sa isa’t isa, palakasin ang koordinasyon sa mga suraling panrehiyon at pandaigdig, palakasin ang pag-uugnay ng estratehiya ng pag-unlad, para pasulungin ang bagong pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Ehipto.

 

Ipinaabot naman ni Abdel-Fattah al-Sisi ang mainit na pagbati sa Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina.

 

Ipinahayag niyang, ang taong ito ay Ika-65 Anibersaryo ng Ehipto at Tsina. Malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at mahigpit ang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig. Suportado ng Ehipto ang paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kaugnayan sa Hong Kong, Xinjiang at Taiwan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method