Bakunang kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Ehipto

2021-02-24 16:53:51  CMG
Share with:

Dumating ng Cairo, Ehipto, madaling araw ng Pebrero 23, 2021 ang unang pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina sa bansa.

 

Kasamang dumating ng mga ito, ang mga bakunang ipinagkaloob din ng Tsina sa Sekretaryat ng Unyong Arabe.

 

Sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo, sinalubong nina Liao Liqiang, Embahador ng Tsina sa Ehipto; Heneral Wael El Saaey, AsistentengMinistro ng mga Suliraning Pinansyal at Administratibo ng Ehipto; at iba pang opisyal ng dalawang bansa ang naturang mga bakuna.

 

Sa ngalan ng mga mamamayan at pamahalaan ng Ehipto, ipinahayag ni Heneral Wael El Saaey ang taos-pusong pasasalamat sa Tsina.

 

Samantala, magkasama namang dumalo sina Dr. Hala Zayed, Ministro ng Kalusugan at Populasyon ng Ehipto at Embahador Liao sa news briefing na idinaos sa hapon ng araw ring iyon. 

Bakunang kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Ehipto_fororder_cairo01

Bakunang kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Ehipto_fororder_cairo02

Bakunang kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Ehipto_fororder_cairo03

Bakunang kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Ehipto_fororder_cairo04

Bakunang kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Ehipto_fororder_cairo05

Salin:Sarah

Please select the login method