Bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina, dumating ng Dominican

2021-02-24 16:57:33  CMG
Share with:

Dumating Pebrero 23, 2021 ng Santo Domingo, kabisera ng Dominican Republic ang mga bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Dumating naman sa paliparan si Raquel Peña, Pangalawang Pangulo ng Dominican Republic kasama ang iba pang mataas na opisyal ng bansa.

 

Sa ngalan ni Pangulong Luis Abinader ng Dominican Republic at pamahalaan ng bansa, pinasalamatan ni Peña ang suporta at tulong na ipinagkaloob ng Tsina.

 

Samantala, sinabi naman ni Zhang Run, Embahador ng Tsina sa Dominican Republic, na ito ay bagong pahina sa pakikibaka ng dalawang basan sa COVID-19.

 

Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Kalusugan ng Dominican Republic, hanggang Pebrero 23, umabot na sa 236,210 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, at 3,057 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina, dumating ng Dominican_fororder_donminica03

Bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina, dumating ng Dominican_fororder_douminica01

Bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina, dumating ng Dominican_fororder_dominica02

Salin:Sarah

Please select the login method