UNEA-5: dapat baguhin ang paraan ng pangangalaga sa kalikasan para iwasan ang panganib ng bagong pandemiya

2021-02-24 16:55:33  CMG
Share with:

Ipininid Pebrero 23, 2021, sa Nairobi, kabisera ng Kenya, ang online meeting ng Ika-5 Sesyon ng United Nations Environment Assembly (UNEA-5).

UNEA-5: dapat baguhin ang paraan ng pangangalaga sa kalikasan para iwasan ang panganib ng bagong pandemiya_fororder_kapaligiran

Dumalo sa pulong ang mahigit 1,500 kinatawan mula sa mahigit 150 bansa at mga Ministro ng Kapaligiran ng mahigit 60 bansa.

 

Anila, kung hindi mababago ang paraan ng pangangalaga sa kalikasan, tiyak na muling kakaharapin ng daigdig ang panganib ng bagong pandemiya sa hinaharap.

 

Pinagtibay sa pulong ang pahayag na nananawagan para sa pagpapasulong ng multilateralismo sa harap ng hamon sa kapaligiran.

 

Ang pagbangon ng kabuhayan ay isa rin sa mga naging pokus ng pulong na ito.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Sveinung Rotevatn, Tagapangulo ng UNEA-5 at Ministro ng Kapaligiran at Klima ng Norway, na posibleng maulit ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa hinaharap.Lubos na inaasahan ng mga kalahok ng UNEA-5 ang 15th Meeting of the Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (COP15) na idaraos Mayo 2021, sa Kunming, lunsod sa dakong timog ng Tsina.

 

Sinabi ni Sveinung Rotevatn na ang COP15 ay mayroong napakahalagang katuturan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method