Kinatawang Tsino: dapat lutasin muna ng ilang bansang kanluranin ang isyu ng karapatang pantao sa saliring bansa

2021-02-25 16:44:00  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Pebrero 24, 2021, sa Ika-46 na Mataas na Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations, hinimok ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Geneva, ang ilang bansang kanluranin na agarang itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa sa paggamit ng isyu ng karapatang pantao.

 

Sa halip nito, dapat aniyang magsikap sila para pabutihin ang karapatang pantao sa sarili nilang bansa.

 

Mahigpit na kinondena ni Chen ang walang batayang pagbatikos sa Tsina ng mga bansa at organong gaya ng Britanya, Unyong Europeo, Alemanya, Amerika, Kanada at iba pa.

 

Ipinahayag ni Chen na sa pamamagitan ng paggawa at pagkakalat ng kasinungalingan hinggil sa Xinjiang, Tibet at HongKong, sinisiraang-puri ng naturang mga bansa ang Tsina.

 

Dagdag pa ni Chen, layon ng naturang mga bansa na pinsalain ang katatagan ng Tsina at hadlangan ang proseso ng pag-unlad ng Tsina.

 

Pero, binigyang-diin niyang tiyak na mabigo ang mga tangkang ito.

 

Salin:Sarah

Please select the login method