Ipinahayag Pebrero 25, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob na o ipinagkakaloob ng Tsina ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa 53 bansa; at iniluwas na o iniluluwas ang bakuna sa 27 bansa. Samantala, ginamit na ng ilampung bansa sa daigdig ang bakuna ng Tsina, dagdag niya.
Ayon sa ulat, dumating na ang bakuna ng Tsina sa Mongolia, Ehipto, Thailand, Singapore, Dominican, Bolivia at iba pang bansa.
Bukod dito, kinumpirma ng departamentong pangkalusugan ng maraming bansa ang bisa at kaligtasan ng bakunang gawa ng Tsina.
Binigyan-diin ni Zhao na patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, para pasulungin ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna sa buong mundo para labanan ang pandemiya ng COVID-19.
Salin:Sarah