Ministrong Panlabas ng Tsina at India, nag-usap; hakbang-hakbang na lilikhain ng dalawang panig ang kondisyon para pabutihin ang relasyon

2021-02-26 16:36:34  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono Pebrero 25, 2021, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si S. Jaishankar ng India.

Ministrong Panlabas ng Tsina at India, nag-usap; hakbang-hakbang na lilikhain ng dalawang panig ang kondisyon para pabutihin ang relasyon_fororder_wangyi

Sinabi ni Wang na di-matatag ang patakaran ng India sa Tsina kamakailan, na naapektuhan ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa, di-angkop ito sa kapakanan ng dalawang panig.

 

Ipinahayag ni Wang na dapat igiit ang estratehikong komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, buong tatag na tumahak sa tumpak na landas ng kooperasyon at pagtitiwalaan. Dapat maayos na hawakan ang isyu sa hanggahan para maiwasan ang negatibong sirkulasyon ng bilateral na relasyon. Dapat igiit ang direksyon ng magkasamang pag-unlad.

 

Maaaring hakbang-hakbang na lumikha ang dalawang panig ng kondisyon para lalo pang pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa at pasulungin ang aktuwal na kooperasyon, saad ni Wang.

 

Ipinahayag ni S. Jaishankar na umaasa ang India na palalakasin ang diyalogo sa Tsina para isakatuparan ang komprehensibong disengagement ng dalawang panig, pasulungin ang katatagan ng kalagayan ng purok panghanggahan, mapangalagaan ang kapayapaan ng purok panghanggahan, at pasulungin ang pagpapanumbalik ng bilateral na relasyon sa tumpak na landas sa lalo madaling panahon.

 

Salin:Sarah

Please select the login method