Pangulo ng Uruguay, pinasalamatan ang Tsina sa pagkaloob ng bakuna sa COVID-19

2021-02-27 14:24:58  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-26 ng Pebrero 2021, ni Pangulong Luis Lacalle Pou ng Uruguay, ang pasasalamat sa Tsina sa pagkakaloob ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon sa panig opisyal ng Uruguay, sisimulan sa darating na Marso 1 ang pagbabakuna sa bansang ito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga bakuna mula sa Sinovac.

 

Nauna rito, dumating nitong Huwebes ng gabi sa Carrasco International Airport ng Uruguay, ang unang pangkat ng bakuna ng Sinovac.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method