Ikalawang pangkat ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Mexico

2021-02-28 13:19:25  CMG
Share with:

Dumating ng Mexico City International Airport nitong Sabado, Pebrero 27, 2021 ang ikalawang pangkat ng bakuna ng Sinovac kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
 

Ang nasabing mga bakuna ay sinalubong sa paliparan nina Marcelo Ebrard Casaubón, Ministrong Panabas ng Mexico at  Zhu Qingqiao, Embahador ng Tsina sa Mexico.
 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Casaubón na ang ibinibigay na tulong ng Tsina ay malakas na puwersa tungo sa pagsasakatuparan ng pambansang plano ng Mexico sa pagbabakuna.
 

Matatandaang ipinadala Pebrero 20, 2021 sa Mexico City ang unang pangkat ng bakuna ng Sinovac.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method