Selyo na may tema ng bakuna kontra COVID-19, ipinalabas ng Indonesya

2021-03-01 16:09:49  CMG
Share with:

Ipinalabas kamakailan ng Indonesya ang dalawang selyo na may tema ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Selyo na may tema ng bakuna kontra COVID-19, ipinalabas ng Indonesya_fororder_indonesyastamp01

 

Makikita sa mga selyo ang pag-iniksyon ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinova ng Tsina kay Joko Widodo, Pangulo ng Indonesya.

 

Lumahok Pebrero 26, 2021, si Pangulong Widodo sa seremonya ng pagpapalabas ng selyo, at pinirmahan din niya ang first day cover.

Selyo na may tema ng bakuna kontra COVID-19, ipinalabas ng Indonesya_fororder_stamp02

Selyo na may tema ng bakuna kontra COVID-19, ipinalabas ng Indonesya_fororder_stamp03

Selyo na may tema ng bakuna kontra COVID-19, ipinalabas ng Indonesya_fororder_stamp04

Ayon kay Johnny Gerard Plate, Ministro ng Komunikasyon at Teknolohiya ng Impormasyon ng Indonesya, layon ng pagpapalabas ng selyo na gunitain ang mabilis na pagkontrol ng Indonesya sa pandemiya ng COVID-19 sa pamamagitan ng malaking saklaw na pagbabakuna.

 

Inaprubahan ng Indonesya, Enero 11, 2021, ang pangkagipitang paggamit ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Maaga namnng binakunahan si Pangulong Joko Widodo noong Enero 13, na sumasagisag sa  opisyal na pagsisimula ng pagbabakuna sa buong bansa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method