Direktang pamumuhunan ng Tsina sa Australia, umabot sa bagong low point nitong nakaraang 6 na taon; Tsina: dapat isaalang-alang ng Australia hinggil dito

2021-03-02 15:30:02  CMG
Share with:

Ayon sa datos Pebrero 28, 2021, mula sa Institusyon ng Pananaliksik sa Kabuhayan ng Silangang Asya ng Australian National University, noong 2020, bumaba, ng 61%, sa halagang 783 milyong dolyares, ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa Australia, na umabot sa bagong low point nitong nakaraang 6 na taon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 1, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, maraming beses na tinanggihan ng Australia ang proyekto ng pamumuhunan ng Tsina sa Australia sa katwiran ng pangangalaga sa “seguridad ng bansa”, at malubhang naapektuhan nito ang kompiyansa ng mga kompanyang Tsino.

 

Dapat agarang isagawa ng pamahalaan ng Australia ang hakbangin para ipagkaloob ang pantay, bukas, at walang diskriminasyon na kapaligiran ng pamumuhunan para sa mga investor na dayuhan na kinabibilangan ng Tsina, at likhain ang maginhawang kondisyon para sa aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Australia sa iba’t ibang larangan, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method