Bakuna ng Tsina, dumating ng Baghdad

2021-03-03 15:17:02  CMG
Share with:

Dumating madaling araw ng Marso 2, 2021, ng Baghdad, kabisera ng Iraq, ang unang pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina.

Bakuna ng Tsina, dumating ng Baghdad_fororder_baghdad

Sa seremonya ng pagtanggap ng bakuna, sa ngalan ni Punong Ministrong Mustafa Al-Kadhimi ng Iraq, pinasalamatan ni Hassan al-Tamimi, Ministro ng Kalusugan ng Iraq, ang tulong ng Tsina sa bansa.

 

Sinabi din sa seremoniya ni Zhang Tao, Embahador ng Tsina sa Iraq, na nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkaloob ang tulong na hangga’t makakaya para sa Iraq.

 

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Marso 1, 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng Iraq, 3,599 ang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 13,428 ang naitalang bilang ng mga pumanaw.

 

Inaprobahan Enero 19, 2021 ng Iraq ang pangkagipitang paggamit ng dalawang bakuna, na kinabibilangan ng bakunang gawa ng Sinophram ng Tsina, at bakunang  magkasamang ginawa ng Oxford University ng Britaya at AstraZeneca.

 

Salin:Sarah

Please select the login method