Bakuna ng Tsina, binigyan ng kondisyunal na pahintulot ng Malaysia

2021-03-03 15:18:45  CMG
Share with:

Inaprobahan Marso 2, 2021, ng Malaysia ang conditional registration sa pangkagipitang paggamit ng CoronaVac, bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Sinabi ito sa pahayag ni Noor Hisham Abdullah, Direktor Heneral ng Ministri ng Kalusugan ng Malaysia.

 

Dumating Pebrero 27, 2021 sa Malaysia, ang unang pangkat ng bakuna ng Sinovac. Ayon sa kasunduan na nilagdaan noong Enero 2021, ng Pharmaniaga ng Malaysia at Sinovac ng Tsina, tatapusin ang pinal na produksyon ng bakunang ito sa Malaysia.

 

Inaprobahan na rin ng pamahalaan ang paggamit ng bakuna ng Astra Zeneca/Oxford consortium.

 

Nauna rito, pinahintulutan ng Malaysia ang paggamit sa bakuna ng Pfizer-Biontech, at ginamit nito sa national immunization program noong Pebrero 24. .

 

Salin:Sarah

Please select the login method