Pangulong Xi at mga miyembro ng CPPCC: magkasamang tinatalakay ang mga patakaran ng Tsina

2021-03-03 23:21:21  CMG
Share with:

Pangulong Xi at mga miyembro ng CPPCC: magkasamang tinatalakay ang mga patakaran ng Tsina

Pangulong Xi at mga miyembro ng CPPCC: magkasamang tinatalakay ang mga patakaran ng Tsina_fororder_xijinping

Bubuksan Marso 4, 2021, ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Lupon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong konsultatibo ng bansa.

 

Sa mga sesyon ng CPPCC noong nakaraang ilang taon, nakisangkot si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa talakayan ng mga miyembro nito.

 

Sa maraming situwasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi ang kanyang pag-asa sa mga personahe ng iba't ibang partido at non-party na personahe, na makiisa sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) para magkasamang pag-usapan ang mga patakaran ng Tsina at pasulungin ang pag-unlad ng bansa.

 

Sa kanyang talumpati bilang pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPPCC, binigyan-diin ni Xi na dapat pasulungin ang pagpapahayag at pagpapalitan ng iba't ibang kaisipan at opinyon.

 

Ang taong 2021 ay ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ito rin ang kauna-unahang taon ng pagsasasagawa ng Ika-14 na panlimahang taong plano, at pagsisimula ng komprehensibong konstruksyon ng modernong bansang sosyalista ng Tsina.

 

Lubos na inaasahan ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ang mga tema na tatalakayin ni Pangulong Xi at mga miyembro ng CPPCC sa taong ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Jade/Rhio

Please select the login method