Sa kasalukuyang taon, patuloy at komprehensibong isasakatuparan ng Tsina ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “Pamamahala ng mga Taga-Hong Kong sa Hong Kong,” “Pamamahala ng mga Taga-Macao sa Macao,” ipapatupad ang mataas na awtonomiya, pabubutihin ang kaukulang sistema at mekanismo ng pagsasagawa ng konstitusyon at saligang batas sa nasabing dalawang espesyal na rehiyong administratibo, at isasakatuparan ang kanilang sistemang pambatas at mekanismo ng pagtupad sa pangangalaga sa pambansang seguridad.
Inilahad ito ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kaniyang Government Work Report nitong Biyernes, Marso 5, 2021 sa Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Diin niya, buong tinding pipigilan ang panghihimasok ng mga dayuhang puwersa sa mga suliranin ng Hong Kong at Macao. Susuportahan ng pamahalaang sentral ang pagpapaunlad ng Hong Kong at Macao ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan para mapanatili ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng dalawang rehiyon, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac