Kuru-kuro sa reporma ng UN, ibinahagi ni Wang Yi

2021-03-07 17:14:51  CMG
Share with:

Ipinagdiinan Linggo, Marso 7, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat igiit ng reporma ng UN ang layunin at simulain ng Karta ng UN, panatilihin ang nukleong katayuan ng UN sa sistemang pandaigdig, at manindigan sa pundamental na alituntunin ng UN ayon sa pantay-pantay na pagsasanggunian.

Kuru-kuro sa reporma ng UN, ibinahagi ni Wang Yi_fororder_UN3

Saad ni Wang, ipinalalagay ng panig Tsino na kahit anumang pagbabago at reporma ang maganap, dapat palakasin ang papel ng UN.
 

Dapat pataasin ang tinig ng mga umuunlad na bansa at maging kinatawan nito ang UN, at mas mainam na ipakita ang komong hangarin ng karamihan ng mga bansa, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method