Sa sesyong plenaryong idinaos kahapon, Linggo, ika-7 ng Marso 2021, ng delegasyon ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa pagtitipon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), sinabi ni Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina, na dapat buong lakas na suportahan ang pag-unlad ng Hong Kong, bilang sentro ng pinansya at sentro ng inobasyon at teknolohiya.
Dagdag ni Han, malaki ang ugnayan ng pag-unlad ng mainland at pag-unlad ng Hong Kong.
Aniya, makikinabang ang Hong Kong sa pag-unlad ng mainland, at kailangan ding patingkarin ng Hong Kong ang sariling mga bentahe para makisama sa pag-unlad ng mainland.
Editor: Liu Kai